Thursday, January 21, 2010

mid january na pala at iba pa...

Gosh! OMG! Dyuskuday! Aba eh, lagpas na pala sa kalahati ang January 2010!!! Ganun lang, parang nagdaan lang ang pasko at bagong taon... kunsabagay, sabi nga nila sa ingles "How time flies" Pero for me, it did not flew, in fact, time is on our hands, it is just a matter of moving it forward while we busy ourselves sa pagawa ng mga bagay na kikita tayo, na yayaman, na makakabuhay sa pamilya. Ano ba ang accomplishments? Ano ba ang success? Ano ba ang initiative? Ano ba ang objective? ... hay naku...

Bukas makalawa, Valentines na, mapupuno na ang mga mall ng mga red heart decor. Sale na naman, kagulo na ang mga tao. May mga additional applications na sa Facebook, mga post ng love quotes, tapos.... tapos! ... hay naku...

Then, panahon naman ng graduation, sabi nga, pag ganitong panahon, hindi bumebenta ang mga luxury items kasi uunahin ng magulang, pangbayad sa tuition ng anak para sa finals, pang arkila ng toga, pambayad sa graduation fee, at pambili ng pansit para ipamigay sa kapitbahay bilang thanksgiving. May nakakaisip din naman na magpasalamat sa Dyos na gumradweyt na anak nila. Note ha, past tense kasi ang future tense nyan eh, sana po, makagradweyt ang anak ko, hiling sa Dyos namakagradweyt, hindi pasalamat na nakapag aral ang anak... hay naku!

Then, mahal na araw, panahon ng pagtitika... panahon din na habang ginugunita natin ang paghihirap ni Kristo, ay nasa summer outing tayo, sa beach, sa Baguio, sa Tagaytay, at yung mga may kaya, nasa Hongkong, bagong sugalan at libangan ngayos sa Asya, sa Macau, dito dito lang ulit, sa Bora... hay naku!

Then, eleksyon na. This will gonna be hard this time, kasi lahat ng kandidato puros mahihirap lang daw sila, sabi sa multi million peso tv ads nila eh.... hay naku!

hay naku....

No comments: