Thursday, February 11, 2010

Mapua


Nagtapos ako ng HIGH SCHOOL sa Mapua Institute of Technology noong Marso 1978. Hindi ko alam kung ilan pang batch ang sumunod sa amin, pero nabalitaan ko na lang na binili na raw ng Malayan Group ang Mapua. Kahapon, naisipan kong magikot at dala ang aking digicam, kumuha ng mga litrato sa lugar na dati ay kinatatayuan ng aking High School Alma Mater, Mapua Doroteo Jose. Mabigat man sa aking kalooban, ay pinilit ko pa ring kunan ito ng larawan...

No comments: